Masks and vaccinations are recommended. Plan your visit
Kung binisita mo ang Exploratorium noong mga dekada 1970 o 1980, maaari mong matandaan ang punong ito na nagliliwanag—misteryoso, nakatutuwa—sa tunog ng pagpalakpak. “Ang punong ito ay nilikha ni Burt Libe bilang isang kamangha-manghang diskarte sa bagong larangan ng elektronikong sining,” isinulat ng manlilikha.
Isang tagumpay ng engineering noong 1971, ang kinagigiliwang obrangito ay mahigit na sa 50 taong gulang ngayon. Bagama't hindi na ganap na gumagana ang The Enchanted Tree (Ang Enkantadong Puno), isa pa rin itong nakakatuwang pagpapahayag ng husay at pananaw ng isang tinkerer. Maaari mong tapikin ang isang pedal para pailawin ang puno at ang mga circuit nito. Ang circuit board ay gawang kamay, natatangi sa disenyo, at masyadong marupok upang kalasin; nananatiling misteryo ang eksaktong lohika nito.
Mapapanood sa Makinang: Tuklasin ang Sining ng Liwanag, Nobyembre 17, 2022–Enero 29, 2023.
Larawan: The Enchanted Tree (Ang Enkantadong Puno) sa Palasyo ng Fine Arts noong 1976. Larawan © Exploratorium Archives.
Si Burt Libe ay isang electronics engineer at siyang nagtatag ng Libe Company. Inimbento at binuo niya ang Libe Computer Modules noong 1966, at inilathala ang aklat na A New Approach to Digital Computer Logic noong 1970. Nakagawa siya ng iba't ibang mga gawa ng elektronikong sining mula sa kanyang mga modyul.