Masks and vaccinations are recommended. Plan your visit
Sa madilim na Wattis Studio, ang mga bisita ay maiging pinagmamasdan ang hanay ng 300 umiikot na ilaw.
Kung titingnan mula sa malayo, ang bawat itinuturo ng liwanag ay tila nasa paligid lamang ng isa pa, na pumukaw sa pag-ikot at pagbaliktad ng mga kalawakan habang tumatawid sila sa espasyo. Ngunit kung titingnan mula sa ibaba, pinupuno ng mga ilaw ang ating larangan ng paningin at nagiging hindi mahulaan na 3-D pattern na sumasayaw sa itaas.
Nakikita ng ating mga mata ang liwanag mula sa bawat LED bilang isang pattern na spiral dahil "naaalala" ng ating visual system ang larawan ng liwanag hanggang sa ikasampu ng isang segundo. Ang nakakagulat na epekto na ito ay tinatawag na persistence of vision (pananatili ng paningin). Maaari ka ring makakita ng mga bakas ng kulay sa paligid ng bawat orbit.
Kasabay ng Entangled Attraction (Nakakahumaling na Atraksyon) ang musika ni Jonathan Crawford.
Mapapanood sa Makinang: Tuklasin ang Sining ng Liwanag, Nobyembre 17, 2022–Enero 29, 2023.
Larawan: Sa kagandahang-loob nina Sally Weber at Craig Newswanger.
Si Sally Weber (Resonance Studio) ay isang manlilikha ng ilaw na nakabase sa Oakland, California. Gumagamit siya ng mga ilusyon ng ilaw, optical at digital holography, video, at dimensional photography upang ihayag ang pagiging napapanahon ng mga mahahalagang likas na puwersang pinagbabatayan ng buhay at ang mga pattern na nag-uugnay sa kanila. Siya ay nakapag-eksibit na nang malawakan sa buong bansa at ibayong dagat.
Si Craig Newswanger (Resonance Studio) ay isang optical engineering innovator, imbentor, at dalubhasa sa optical holography at sa mga teknolohiya ng 3-D imaging. Mayroon din siyang karanasan sa pelikula at video, pati na rin sa special effects. Nakapagdisenyo at nakagawa na si Craig ng mga proyekto sa pag-iilaw, tunog, imaging, mga digital interface, electronics, woodworking, at photography. Siya ay nakabase sa Oakland, California.
Ang Resonance Studio ay miyembro ng Immersive Arts Alliance sa Berkeley, California.
Si Jonathan Crawford ay isang musikero, kompositor, sound designer, record producer, at DJ na nakabase sa San Francisco, California. Ang kanyang pakay ay lumikha ng musika na nagsisiyasat ng kapana-panabik na bagong larangan mula sa pananaw na timbral at komposisyonal.