Masks and vaccinations are recommended. Plan your visit
The Last Ocean ay isang landscape na may 1,200-talampakang kuwadrado ng mga interaktibong plataporma na iniilawan ng aktibidad ng bisita. Gawa mula sa kinuha at ni-recycle na mga plastik galing sa karagatan, ang limang panig na piraso nito ay bumubuo ng magandang geometrikong tessellation—isang paulit-ulit na pattern ng mga patag na hugis na walang mga puwang. Ang malayang "smart" na plataporma ay nakikipag-ugnayan sa isa't isa sa isang matatag na wireless network.
Sa pamamagitan ng paggamit ng ni-recycle na plastik mula sa karagatan, nilalayon ni Lewin na makaapekto sa pagbabalik sa kalusugan ng ating mga karagatan at planeta at siyasatin ang krisis ng mga maruming karagatan, isang umiinit na planeta, kumakaunting likas na yaman, at isang agarang pangangailangan para sa sistematikong pagbabago. Hinihiling din niya sa atin na isaalang-alang kung paano makipag-ugnay ang isang pandaigdigang komunidad, harapin, at pagaanin ang mga isyung kinakaharap ng ating planeta.
Noong 2021, ang Brunt Ice Shelf sa Antarctica ay nakaranas ng isang mahalagang calving event—ang pagkawasak ng isang masa ng yelo. Ang hiwalay na piraso ng yelo ay pinangalanang Iceberg A-74. Ang disenyo ng installation na ito sa Exploratorium ay inspirado ng isang tanaw mula sa itaas ng calving event.
Pinagsasama ng mga obra ni Jen Lewin ang kagandahan ng likas na mundo sa mga pagbabagong posibilidad ng interaktibidad at ang kapangyarihan ng teknolohiya.
Mapapanood sa Makinang: Tuklasin ang Sining ng Liwanag, Nobyembre 17, 2022–Enero 29, 2023.
Larawan: The Last Ocean (Ang Huling Karagatan) ng manlilikhang si Jen Lewin. Larawan ni Charles Aydlett.
Si Jen Lewin ay isang kinikilalang internasyonal na inhinyerong manlilikha na nakabase sa Brooklyn, New York. Hinasa niya ang kanyang karanasan sa arkitektura at isang napakateknikal na medium upang gumawa ng malakihang, interaktibong, pampublikong eskultura na naghihikayat sa pakikipag-ugnayan at paglalaro ng komunidad. Sa pag-iisa ng kalikasan at teknolohiya, nag-iisip si Lewin nang lampas sa tradisyonal na media upang lumikha ng magkakaugnay na mga karanasan ng tao na nagdudulot ng sigla sa mga espasyong pampubliko. Binibigyang-diin ng kanyang mga eskultura ang ripple effects ng bawat indibidwal sa kanilang komunidad at tirahan, ang lakas ng pakikipag-ugnayan ng tao, at ang lakas ng pinagsama-samang pagkilos.
@jenlewinstudio
#thelastocean