Masks and vaccinations are recommended. Plan your visit
Ano ang naiisip mo kapag pinagmamasdan mo ang buwan? Mga moon cake? Mga lunar lander? Ang pagtaas ng tubig? Ang tagapagtanggol ng daigdig? Ang bawat kultura ay nakatagpo na ng pang-agham at artistikong inspirasyon sa kumikinang na satellite ng Daigdig. Ang ating buwan ay gumaganap bilang isang salaming kultural, na ipinapakita sa atin hindi lamang ang liwanag ng Araw, kundi mga kuwento at paniniwala ng mga tao sa buong mundo.
Ang Museum of the Moon (Museo ng Buwan) (2016) ni Luke Jerram ay inspirado ng napakalaking tidal range sa sariling lungsod ng manlilikha sa Bristol, England. Ang likhang sining ay nakaimprenta mula sa 120 dpi na koleksyon ng mga larawan ng NASA na nagpapakita ng bawat bangin at crater sa tinatayang sukat na 1:700,000; ang isang sentimetro ay katumbas ng humigit-kumulang 7 kilometro (ang isang pulgada ay katumbas ng 11 milya) ng ibabaw ng buwan.
Mapapanood sa Makinang: Tuklasin ang Sining ng Liwanag, Nobyembre 17, 2022–Enero 29, 2023.
Larawan: © Exploratorium Archives
Kasama sa multidisciplinary practice ni Luke Jerram ang mga eskultura, mga installation, at mga live art project. Isang Fellow ng Royal Astronomical Society, kilala siya sa malakihang pampublikong likhang sining—gaya ng Museum of the Moon (Museo ng Buwan)—na pinagsasama ang sining, agham, at laro.