Masks and vaccinations are recommended. Plan your visit
Ang dinamikong likhang sining na ito ay gumagawa ng pabago-bagong mala-mandalang mga pattern ng liwanag na naka-synchronize sa mga nakapaligid na tunog. Ang pabago-bagong animated na mga sinag ng liwanag ay mula sa matinding spectral na mga kulay hanggang sa banayad na mga pastel. Ang isang pagkakasunud-sunod ng mga pattern ay umuulit, ngunit kapag gumawa ka ng tunog—magsalita, kumanta, pumalakpak—ang mga paunang nakaprogramang pattern ay napapatitigil habang ang mga ilaw ay tumutugon sa hindi umuulit na kumplikadong mga pagkakaiba-iba ng mga kulay at pattern.
Mapapapanood sa Makinang: Tuklasin ang Sining ng Liwanag, Nobyembre 17, 2022–Enero 29, 2023.
Larawan: Sa kagandahang-loob nina Craig Newswanger.
Si Craig Newswanger (Resonance Studio) ay isang optical engineering innovator, imbentor, at dalubhasa sa optical holography at 3-D imaging na teknolohiya. Mayroon din siyang karanasan sa pelikula at video, pati na rin sa special effects. Nakapagdisenyo at nakagawa na si Craig ng mga proyekto sa pag-iilaw, tunog, imaging, mga digital na interface, electronics, woodworking, at photography. Siya ay nakabase sa Oakland, California.
Ang Resonance Studio ay miyembro ng Immersive Arts Alliance sa Berkeley, California.