Masks and vaccinations are recommended. Plan your visit
Sa isang kagila-gilalas na pagtutulungan ng liwanag at anino, lumilitaw ang mga "nakatagong" mga hugis at pattern. Ang mga pira-pirasong anino ay inihahagis sa lahat ng banda mula sa naaninag at na-refract na liwanag.
Teardrop (after Robert Irwin) ay nagsasama-sama ng maselan, tradisyonal na Islamic decorative geometric na pattern at arkitektura na may modernong mga materyales. Ang obra ay inspirado ng jaalis, masalimuot na inukit na mga screen na nagbibigay ng mga gumagalaw na anino habang ang Araw ay sumisikat at lumulubog. Ang disenyo ay isang laser-cut steel disk na naka-lacquer sa kulay na seafoam green. Maraming magkakapatong na mga anino na may iba't ibang kapal ay inihahagis at tila gumagalaw gaya ng ginagawa ng mga bisita.
Mapapanood sa Makinang: Tuklasin ang Sining ng Liwanag, Nobyembre 17, 2022–Enero 29, 2023.
Larawan: Kagandang-loob ni Anila Quayyum Agha.
Si Anila Quayyum Agha ay manlilikhang Pakistani American na gumagawa ng mga painting, eskultura, at installation, na karamihan ay gumagamit ng liwanag at gumagawa ng anino. Ang kanyang mga obra ay naiimpluwensyahan ng sabay-sabay na pakiramdam ng alienation at transience na nagbibigay kaalaman sa karanasan ng migrante at ng kanyang mga karanasan sa kanyang sariling bansa at bilang isang imigrante sa Estados Unidos. Ang kanyang sining ay ipinakita sa buong bansa at sa ibayong dagat. Siya ang kasalukuyang Morris Eminent Scholar in Art sa Augusta University sa Georgia.
#anilaquayyumagha
@anilaquayyumagha