CMY Salamin ng mga Anino
Itong eskultura, na interaktibong likhang sining mula sa serye ng Mga Mekanikal na Salamin ni Rozin, ay gumagawa ng mga repleksyon na kumpleto ang kulay. Ang subtractive na modelo ng kulay—cyan, magenta, dilaw—ay ginagamit upang i-filter ang liwanag na kung hindi man ay makikita na puti.
Ang likhang sining ay gawa sa mahigit na 1,500 kulay acrylic na paddle, naka-embed na mga liwanang at isang 3-D camera. Ang bawat paddle ay isang “pixel” na malayang gumagalaw, at nakakaimpluwensiya ang pag-ikot nito sa nasasalamin na kulay nito. Ang piraso ay may dalawang mode ng operasyon: isang interaktibong mode na kung saan ang manonood ay nasasalamin, at ibang mode kung saan iba't-ibang programang animasyon ang humahawak sa display. Pinapagana man ito ng tao o ng makina, dinamiko ang resulta.
Tungkol sa Artist
Gamit ang iba't-ibang materyales—kahoy, basura, acrylic, bakal, pompoms—sinasaliksik ni Daniel Rozin kung ano ang bumubuo sa imahen, at kung ano ang magiging gayon. Lumikha siya ng likhang sining na may natatanging kakayahang magbago at tumugon sa presensya ng manonood. Minsan ang manonood ay ang nilalaman, kung minsan ay iniimbitahan ang manonood upang tumulong na lumikha ng imahen. Itinanghal na ni Rozin ang kaniyang gawa sa buong mundo at nanalo ng maraming parangal. Siya ay isang Propesor sa Sining sa Interactive Telecommunications Program sa New York University’s Tisch School of The Arts.
smoothware.com/danny
bitforms.art/artist/daniel-rozin