Pag-aaral ng Kulay
"Sa buong karera ko bilang installation artist, nagamit at nahumaling ako sa tali bilang . . . isang materyal na mapagpakumbaba, nasa lahat ng dako, at maraming gamit."
Magbulay-bulay sa kulay na gumagalaw, habang “iginuguhit” at “ipinipinta” ni Chaco Kato ang mga hipnotikong imahen.
Ang Pag-aaral ng Kulay ay isang nagbabagong installation. Dito, ang patuloy na nagbabagong mga kulay at geometric pattern ay ipinapakita sa isang solid ngunit tila walang timbang na likhang sining na gawa sa libu-libong piraso ng tali.
Ang mga kulay ay tumutugma sa dalas ng mga sound wave sa mga komposisyong musikal ni Dylan Martorell (“twelve petal flower octaved”), Tetsuaki Hirata (“Transtudio”), at ni Chaco Kato (“Sound Scape 1,” “Sound Scape 2,” “Sound Scape 3”).
Tungkol sa Artist
Si Chaco Kato ay isang interdisciplinary artist na ang mga gawa ay kinabibilangan ng iskultura, pagguhit, installation, at proyektong nakabatay sa komunidad. Mga kolektibong aksyon at komunal na diskurso ay kadalasang nagsisilbing pangunahing inspirasyon sa kaniyang trabaho. Ang mga proyekto ni Kato ay madalas na pinangangasiwaan ng mga simpleng udyok at balangkas, kabilang ang katumbasan, negosasyon, at mga kasanayan sa paghahabi at pagbubuhol. Siya ay isang direktor na tagapagtatag (kasama si Dylan Martorell) ng Slow Art Collective, na nakatuon sa pagpapanatili, materyal na etika, kultura ng DIY, at kolaborasyon.