Skip to main content

Mga Kristal na Pinta

Crystal Paintings
Mga Kristal na Pinta

Pinapalaki ni Ferreira ang mga sintetikong kristal sa mga slide na salamin, na pagkatapos ay ibinabalot niya sa ipinasadyang mga aluminum lightbox. Ang bawat natatanging kristal na “pinta” ay may polarizing filter na nakalagay sa likod ng slide na salamin. Ang nakikitang mga kristal na naka-mount sa dingding ay mayroong pangalawang polarizing filter sa harap ng mga kristal.

Para ipakita ang mga nakatagong kristal sa mga tabletop, gagamit ka ng hinahawakang polarizing filter. Ipinapakita ng prismatic phenomenon ang sarili nito kapag ang polarized na liwanag na nagmumula sa lightbox ay dumadaan sa mga kristal at sa hawak na filter. Binabago nito kung gaano karami ang liwanag na tumatagos sa mga kristal, na siya namang nagbabago sa nasasalamin na kulay ng mga ito. Paikutin ang lens at panoorin habang umiikot ang mga disenyo at tila sumasayaw ang mga kristal.
 

 

Tungkol sa Artist

Isinasama ni Maria Constanza Ferreira  sa kaniyang practice ang pang-eksperimentong film, installation, potograpiya, fine art, at digital media. Tumutuklas siya ng mga larawan, bagay, at materyales na hindi nakaugnay sa pang-araw-araw na buhay, o sobrang laganap, kaya hindi na nakikita ang mga ito. Pinaglalaruan ni Maria ang pagsasama-sama ng liwanag, galaw, oras, tunog, at espasyo upang bumuo ng hindi kilala na mga mode ng representasyon sa pamamagitan ng kusang pagpapalabo ng linya sa pagitan ng pisikal at ng abstract. Ang kaniyang trabaho ay ipinakita sa internasyonal at nanalo siya ng maraming parangal.