Skip to main content

Quantum Jungle

Quantum Jungle
Quantum Jungle

Ang likhang sining na ito ay isang tumpak na modelo sa matematika ng isang bagay na quantum, isang lubhang kakaiba at maliit na bagay. Hindi tulad mo, ang isang bagay na quantum ay hindi kailangang nasa isang lugar lamang sa bawat pagkakataon. Anumang oras ay maaring narito. . . at naroon . . . at ganap na nasa ibang lugar.

Ang bawat bilog na liwanag sa ibabaw ay nagmamarka ng isang posibleng lugar kung saan maaaring naroroon ang isang bagay. Kung gaanong mas maliwanag ang bilog, ganoon kalaki ang pagkakataong naroon ang bagay. Ang pagbabago ng pattern ay nilikha ng bagay na quantum na nagpapalipat-lipat.
 

Tungkol sa Artist

Si Robin Baumgarten ay isang interaktibong artist na nakabase sa Berlin at tagapaglinang ng larong eksperimento. Mula sa pagkakaroon ng karanasan sa Al at pagbuo ng larong komersyal, gumagawa na siya ngayon ng interaktibong installation ng likhang sining at pang- eksperimentong pasadyang controller na mga laro na nabigyan ng parangal tulad ng Line Wobbler—na itinatampok sa mahigit 30 eksibisyon sa buong mundo—at ang Wobble Garden. Itinampok ang kaniyang gawa sa internasyonal at nanalo siya ng ilang parangal.