Skip to main content

RGB Salamin ng Liwanag

RGB Lights Mirror
RGB Salamin ng Liwanag

Itong eskultura ay bahagi ng seryeng Mekanikal na Salamin ni Rozin, na gumagamit ng paikot na paggalaw upang makagawa ng mga imahen, gamit ang modelong kulay na pandagdag—pula, berde, at asul na liwanag. Ang mga aluminum knob ay nakaprograma upang umikot patungo o palayo sa isang may kulay na liwanag. Ang bawat knob ay isang “pixel” na malayang gumagalaw at nakakaimpluwensiya ang pag-ikot nito sa nasasalamin na kulay nito. Lumilikha ang mga matitingkad na liwanag sa karagdagan ng kinang ng umiikot na mga knob ng ilusyong 3-D at highly saturated na mga imahe sa kinetikong eskulturang ito.

Tungkol sa Artist

Gamit ang iba't-ibang materyales—kahoy, basura, acrylic, bakal, pompoms—sinasaliksik ni Daniel Rozin kung ano ang bumubuo sa imahen, at kung ano ang magiging gayon. Lumikha siya ng likhang sining na may natatanging kakayahang magbago at tumugon sa presensya ng manonood. Minsan ang manonood ay ang nilalaman, kung minsan ay iniimbitahan ang manonood upang tumulong na lumikha ng imahen. Itinanghal na ni Rozin ang kaniyang gawa sa buong mundo at nanalo ng maraming parangal. Siya ay isang Propesor sa Sining sa Interactive Telecommunications Program sa New York University’s Tisch School of The Arts.
smoothware.com/danny
bitforms.art/artist/daniel-rozin