Bumisita sa Exploratorium

Halina at maranasan ang anim na malalaking indoor at outdoor na gallery na may daan-daang exhibit, natatanging event, at marami pang iba!
Higit pa sa isang museo ang Exploratorium—nagbibigay-daan ito sa pagtuklas ng agham, sining, at pang-unawa ng tao sa bawat pagbisita. Tumuklas ng kaalaman sa 600+ na interactive na mga exhibit sa anim na naglalakihang indoor at outdoor na gallery. Makikita mo ang aming Tactile Dome na kilalang-kilala sa daigdig, ang aming mga walang katulad na tindahan, kainan, at marami pang iba sa aming magandang lokasyon sa tabi ng baybayin ng San Francisco.
Hindi ka pa miyembro? Sumali at makapasok nang libre buong taon!

Ni-rate na #1 museo sa San Francisco.
Oras na Bukás
Nag-iiba-iba ang mga oras ng museo, kainan, at pamimili sa mga piling araw.
Mga Oras ng Museo
Kainan
Pamimili
Sumusunod ang Exploratorium sa lahat ng kinakailangang protokol at pamamaraang pangkaligtasan. Gayunpaman, nalalaman namin na pwede pa ring malantad sa COVID-19 sa alinmang pampublikong lugar na may mga tao. Responsibilidad mo ang iyong pagbisita; magpasya ka kung kumportable kang pumunta sa isang pampublikong lugar.
Mga Presyo
Mga Nasa Hustong Gulang (18–64) | $39.95 |
Kabataan (4–17) | $29.95 |
Mga Nakatatanda (65+), Mga Taong may Kapansanan, Mga Guro, Mga Mag-aaral | $29.95 |
Mga Bata (3 taong gulang at mas bata) | LIBRE |
Mga Miyembro (Sumali sa amin!) | LIBRE |
Mga Guro sa Pampublikong Paaralan ng California *Mga Guro: Mag-apply para sa libreng pagpasok | LIBRE* |
Tumawag para Magpareserba ng Ticket: 415.528.4444
Ginagawang mas madali at mas abot-kaya ng membership para sa iyo at sa iyong pamilya ang pagtuklas ng bagong kaalaman (at pag-ugnay sa isa’t isa) sa buong taon, at masusulit na ang bayad sa tatlong pagbisita.
Kasama sa iyong mga benepisyo bilang miyembro sa pagbisita sa araw ang:
- Walang limitasyong libreng pagpasok sa araw sa Pier 15
- Mga VIP na oras para lamang sa mga Miyembro sa Pagbisita sa Araw, tuwing Linggo 10:00 n.u.–12 n.t.
- 10% diskwento sa pamimili at kainan (hindi kasama ang alak)
- At marami pa!
Pangkalahatan | $19.95 |
Mga Miyembro sa Pagbisita sa Araw | $14.95 |
Mga Miyembro sa Pagbisita Pagkatapos ng Takipsilim | LIBRE |
Tuwing Huwebes 6:00–10:00 n.g., 18+ taong gulang LAMANG
Tumawag para Magpareserba ng Ticket: 415.528.4444
Buong taon tuwing Huwebes ng gabi, magkita tayo sa Pier 15 para mag-unplug at maglaro—mga 18+ na taong gulang lamang, bawal ang mga bata. (Gayunpaman, maaari ka pa ring kumilos na parang bata.) Mag-enjoy sa aming 600+ na mapag-ugnay na mga eksibit at isang adventurous na lingguhang hanay ng programming sa sining at agham. Maging matanong, kumuha ng inumin at makakain, at hayaang itakda ng DJ ang sigla.
Kasama sa iyong mga benepisyo bilang miyembro ang:
- Walang limitasyong pagpasok: Gawing iyong palaruan ang pier sa Pagkatapos ng Dilim sa Huwebes ng Gabi (50+ bawat taon)
- Malaking matitipid: 10% na diskwento sa pamimili at kainan (hindi kasama ang alak).
- At marami pa!
Maglakbay sa ganap na kadiliman sa aming paliku-liko, paikot-ikot na mahahawakang iskultura. Lumakad, gumapang, umakyat at magpadulas sa daan patungo sa wonderland ng mga texture gamit lamang ang iyong pandama bilang gabay.
Mga Miyembro (Sumali sa amin!) | $12.95 |
Mga Hindi Miyembro | $15.95 |
Ang mga advance na tiket para sa lahat ng session ay maaaring bilhin sa pamamagitan ng pagtawag sa 415.528.4444 (option 5) o doon mismo sa Ticketing at sa Information Desk sa mga oras na bukas ang museo.
Tingnan ang Tactile Dome para sa higit pang impormasyon.
Libreng Pagpasok
Mga May Hawak ng Card na EBT, SF Medi-Cal, at SF CalFresh: Museums for All
Programa ng Community Family Pass
Dapat na maging kwalipikado. Habang mayroon.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa alinman sa mga programang ito, mangyaring mag-email sa visit@exploratorium.edu.
Nag-aalok kami ng mga espesyal na presyo para sa mga pangkat na may 15 o higit pa.
Ang pagpapareserba ay kinakailangang gawin nang di-kukulang sa 24 na oras bago dumating.
Mangyaring tingnan ang Plano sa Pagbisita ng Grupo para sa higit pang impormasyon.
Paano Magpunta Rito
Pier 15 (Embarcadero at Green Street)
San Francisco, CA 94111
Paano Pumunta Rito
Madali lang pumunta rito:
Sa Pamamagitan ng Bisikleta
May sapat na mga pampublikong bike rack sa Exploratorium.
Sa Pamamagitan ng Pampublikong Transportasyon
10 minutong paglalakad mula sa Embarcadero BART station.
Sa Pamamagitan ng Sasakyan
Maraming garahe at paradahan na malapit sa museo.
May Mga Tanong?
Basahin ang Mga Madalas na Itanong, makipag-ugnayan sa Visitor Services sa visit@exploratorium.edu, o tumawag sa 415.528.4407.