Masks and vaccinations are recommended. Plan your visit
Hindi ka pa miyembro? Sumali at makapasok nang libre buong taon!
Mga Madalas na Itanong FAQ ng Miyembro FAQ ng Donor
Higit pa sa isang museo ang Exploratorium—nagbibigay-daan ito sa pagtuklas ng agham, sining, at pang-unawa ng tao sa bawat pagbisita. Tumuklas ng kaalaman sa higit na 600 interactive na mga eksibit sa anim na naglalakihang indoor at outdoor gallery. Makikita mo ang mga maiging pinag-isipang protokol na pangkaligtasan, ang aming walang katulad na tindahan, kainan, at marami pang iba sa aming magandang lokasyon sa tabi ng baybayin ng San Francisco.
Inirerekomenda namin na magsuot ng mask at magpabakuna.
Madalas na dini-disinfect ang mga exhibit at lahat ng pampublikong lugar.
May mga hugasan ng kamay at istasyon ng pag-sanitize sa buong museo.
Kung masama ang iyong pakiramdam, tumawag sa 415.528.4407 upang matulungan ka namin sa iyong tiket.
Pansamantalang nakasara ang Tactile Dome.
100% sariwa ang hangin na nililinis ng aming HVAC MERV 14 system.
Ni-rate na #1 museo sa San Francisco.
Sumusunod ang Exploratorium sa lahat ng kinakailangang protokol at pamamaraang pangkaligtasan. Gayunpaman, nalalaman namin na pwede pa ring malantad sa COVID-19 sa alinmang pampublikong lugar na may mga tao. Responsibilidad mo ang iyong pagbisita; magpasya ka kung kumportable kang pumunta sa isang pampublikong lugar. Pansamantalang sarado ang ilang exhibit at iba pangkaraniwang iniaalok ng Exploratorium dahil sa mga paghihigpit na nauugnay sa COVID-19.
Mga Oras ng Museo
Martes–Sabado: 10:00 n.u.–5:00 n.h.
Huwebes (18+ taong gulang): 6:00–10:00 n.g.
Linggo (Para Lang sa Mga Miyembro sa Pagbisita sa Araw/Mga Donor): 10:00 n.u.–12:00 n.t.
Linggo: 12:00 n.t.–5:00 n.h.
Lunes: Sarado maliban sa mga piling araw
Kainan
Seaglass Restaurant
Sabado, Linggo, at Mga Espesyal na Oras ng Pagbubukas: 11:00 n.t.–3:00 n.h.
Huwebes ng Gabi: 6:00–9:30 n.g.
Seismic Joint Café
Pareho ng mga oras ng museo hanggang 5:00 n.h.
Pamimili
Tindahan sa Museo
Pareho ng mga oras ng museo hanggang 5:30 n.h.
Huwebes ng gabi hanggang 10:30 n.g.
Nag-iiba-iba ang mga oras ng museo, kainan, at pamimili sa mga piling araw.
Mga Nasa Hustong Gulang (18–64) | $39.95 |
Kabataan (4–17) | $29.95 |
Mga Nakatatanda (65+), Mga Taong may Kapansanan, Mga Guro, Mga Mag-aaral | $29.95 |
Mga Bata (3 taong gulang at mas bata) | LIBRE |
Mga Miyembro ((Sumali sa amin!) ) | LIBRE |
Mga Guro sa Pampublikong Paaralan ng California
*Mga Guro: Mag-apply para sa libreng pagpasok |
LIBRE* |
Tumawag para Magpareserba ng Ticket: 415.528.4444
Ginagawang mas madali at mas abot-kaya ng membership para sa iyo at sa iyong pamilya ang pagtuklas ng bagong kaalaman (at pag-ugnay sa isa’t isa) sa buong taon, at masusulit na ang bayad sa tatlong pagbisita.
Kasama sa iyong mga benepisyo bilang miyembro sa pagbisita sa araw ang:
Tuwing Huwebes 6:00–10:00 n.g., 18+ taong gulang LAMANG
Pangkalahatan | $19.95 |
Mga Miyembro sa Pagbisita sa Araw | $14.95 |
Mga Miyembro sa Pagbisita Pagkatapos ng Takipsilim | LIBRE |
Tumawag para Magpareserba ng Ticket: 415.528.4444
Buong taon tuwing Huwebes ng gabi, magkita tayo sa Pier 15 para mag-unplug at maglaro—mga 18+ na taong gulang lamang, bawal ang mga bata. (Gayunpaman, maaari ka pa ring kumilos na parang bata.) Mag-enjoy sa aming 600+ mapag-ugnay na mga eksibit at isang adventurous na lingguhang hanay ng programming sa sining at agham. Maging matanong, kumuha ng inumin at makakain, at hayaang itakda ng DJ ang sigla.
Kasama sa iyong mga benepisyo bilang miyembro ang:
Libreng Pagpasok
Mga May Hawak ng Card na EBT, SF Medi-Cal, at SF CalFresh: Museums for All
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa alinman sa mga programang ito, mangyaring mag-email sa visit@exploratorium.edu.
Nag-aalok kami ng mga espesyal na presyo para sa mga pangkat na may 15 o higit pa.
Ang pagpapareserba ay kinakailangang gawin nang di-kukulang sa 24 na oras bago dumating.
Mangyaring tingnan ang Plano sa Pagbisita ng Grupo para sa higit pang impormasyon.
Pier 15 (Embarcadero at Green Street)
San Francisco, CA 94111
Paano Pumunta Rito
Madali lang pumunta rito:
Sa Pamamagitan ng Bisikleta
May sapat na mga pampublikong bike rack sa Exploratorium.
Sa Pamamagitan ng Pampublikong Transportasyon
10 minutong paglalakad mula sa Embarcadero BART station.
Sa Pamamagitan ng Sasakyan
Maraming garahe at paradahan na malapit sa museo.
Basahin ang Mga Madalas na Katanungan, makipag-ugnayan sa Visitor Services sa visit@exploratorium.edu, o tumawag sa 415.528.4407.